Isang lola ang nag-asikaso ng kanyang National ID at nagpunta pa sa Kidapawan para magparehistro. Pagdating sa gym, nalaman niyang kailangan pala ng ID para makapag-process. Kaya lumabas muna siya para asikasuhin at ipa-print ang kanyang ID sa eGov app.
Pagbalik niya, bandang 3:50 PM, nagpaalam siyang maghintay muna dahil magpapaprint lang siya ng ID. Pero pagdating ng 4:02 PM, nag-cut off na raw ang payout at hindi na siya pinagbigyan.
Nakakalungkot isipin na hirap na nga siyang maglakad at hinihingal pa, nanghiram pa raw ng pamasahe para lang makahabol, pero hindi pa rin siya nabigyan ng pagkakataon. Muntik pa siyang mahulog sa motor sa pagmamadali. Sana naman ay nagkaroon ng kaunting konsiderasyon at malasakit. Matanda na ang lola, at hindi biro ang pagod at hirap na pinagdaanan niya para lang makuha ang tulong na inaasahan niya. A little kindness and understanding could have made such a big difference.
CTTO: PHOTOS NOT MINE